Umaapela ang US Government sa Court Ruling na nag-aalis sa mandato ng Federal Mask sa public transport ngayong linggo.
Agad na umapela si White House Speaker Anthony Coley sa Justice Department matapos kumpirmahin ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na mahalaga pa rin ang pagsusuot ng mask para maprotektahan ang kalusugan ng publiko.
Iginiit naman ng US Federal Judge na paso na ang Statutory Authority ng CDC hinggil sa COVID-19 mask mandate.
Nabatid na marami nang major airlines ang nag-alis ng mask requirements sa kanilang domestic flights at ilang international flights gayundin ang ride-hailing services na Uber at Lyft.