Isang US guided-missile destroyer ang nakatakdang ipadala ng U.S. Navy sa bahagi ng artificial islands na nilikha ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa isang Defense Official ng Estados Unidos, maglalayag ang USS Lassen sa may 12 nautical miles ng Subi at Mischief Reefs sa Spratly Archipelago.
Sa mga lugar na ito nagsagawa ng malawakang dredging project ang China mula pa noong 2014 para gumawa ng mga isla.
Sinabi ni US Defense Official, sasabay pa rin sa US Destroyer ang US Navy P-8A surveillance plane at P-3 surveillance plane na regular na nagsasagawa ng surveillance mission sa West Philippine Sea.
Sinabi ng opisyal na may mga karagdagan pang patrol na mag-iikot sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea na iikot naman sa mga istrakturang nilikha ng Vietnam at Pilipinas sa Spratlys.
By Len Aguirre