Panibagong kaso umano ng diplomatic bullying laban sa Pilipinas ang ginagawa ng Estados Unidos.
Ito ang inihayag ni Senator JV Ejercito kaugnay ng imbestigasyon ng U.S. Congress sa mga serye ng pagpatay sa ilallim ng war on drugs ng Duterte Administration.
Ayon kay Ejercito, isa itong ka-ipokritohan dahil kilala ang Amerika sa paglabag sa karapatang pantao para lang maisulong ang kanilang interes.
Panghihimasok at paglapastangan anya sa soberanya ang pagpapa imbestiga ng U.S. Congress sa sinasabing mga pag-abuso sa karapatang pantao sa ilalim ng giyera kontra iligal na droga ng administrasyon.
Iginiit ng Senador na paulit-ulit ng sinasabi ng gobyerno na inirerespeto nito ang karapatang pantao kahit gaano ito ka-determinado na lutasin ang malalang problema sa illegal drugs na sumisira sa buhay ng marami nating kababayan.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
US gumawa umano ng diplomatic bullying laban sa Pilipinas was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882