Handa na ang Amerika na tumanggap ng tinatayang 10,000 Syrian refugees na apektado ng nagpapatuloy na civil war sa Middle East.
Inihayag ni US President Barack Obama kakayanin ng Estados Unidos na makamit ang target na mabigyan ng resettlement ang mga Syrian hanggang September 30, na pagtatapos ng federal budget year.
Aminado si Obama na isang malaking hamon ang kanyang itinakdang goal noong isang taon dahil kinailangang tiyakin sa mga mamamayan ng Amerika na sumailalim sa screening ang mga refugee.
Idinagdag din ni Obama na puspusan na rin ang pagpapatayo ng mga resettlement na mag-a-accommodate sa mga syrian na biktima ng kaguluhan.
By Drew Nacino
Photo Credit: REUTERS/KHALIL ASHAWI