Nakahanda ang Estados Unidos na muling maglunsad ng air strikes kontra Islamic State sa Libya kung hihilingin ng gobyerno ng naturang bansa.
Ayon kay Pentagon Spokesman Peter Cook, nakadepende ang kanilang opensiba sa request ng pamahalaan ng Libya.
Mula agosto aniya, aabot na sa 350 airstrikes na ang kanilang naisakatuparan na layong pulbusin ang tropa ng ISIS.
Sa ngayon ay ilang lugar pa rin sa Libya ang kontrolado ng ISIS.
By Ralph Obina