Posibleng mag-export ng mas maraming pet food at processed potato products, gaya ng french fries ang US sa Pilipinas bunsod ng lumalaking demand.
Ayon US Department of Agriculture-Foreign Agricultural Service (USDA-FAS), malaki ang potensyal ng mga consumer-oriented US products, mula sa karne, poultry products, food flavorings at supplements, para sa export growth sa Pilipinas.
Inaasahan ng USDA-FAS na lalago pa ang US exports ng pet food sa Pilipinas sa gitna ng dumaraming pet owners sa bansa.
Nakikita rin ng naturang US agency ang pagbabalik ng import ng french fries at potato chips mula Estados Unidos sa gitna ng nagpapatuloy na pagrekober ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic matapos magluwag ng restrictions.
Nananatili ang Amerika bilang pangunahing supplier ng Pilipinas ng processed potato products, sa kabila ng mas mataas na tariff rates at matinding kompetisyon sa India at China, na mayroong duty-free access.