Handang umaksyon ang Amerika kung magtatayo ng mga panibagong istruktura ang China sa West Philippine Sea.
Ito ang ibinabala ni U.S. Defense Secretary Ashton Carter sa gitna ng inaasahang desisyon ng permanent court of arbitration sa The hague, Netherlands sa kasong inihain ng Pilipinas laban sa Tsina.
Ayon kay Carter, malalagay sa alanganin ang katayuan ng China kung ipagpapatuloy nito ang military expansion sa Spratly Islands.
Gayunman, ipinanukala ng kalihim na magkaroon ng mas matatag na Bilateral Security Cooperation upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng aksidente o insidente sa pinag-aagawang mga teritoryo.
Umaasa anya ang Estados Unidos na hindi na hahantong sa gulo ang territorial dispute sa nabanggit na karagatan.
By: Drew Nacino