Hands off muna ang Estados Unidos sa mga kaguluhan sa hilagang bahagi ng Syria.
Ito ay matapos ianunsyo ng Turkey ang kanilang pagpapadala ng dagdag na pwersang militar sa naturang lugar.
Ayon sa White House, nasa kamay na raw ng Turkey ang lahat ng responsibilidad hinggil Islamic state group prisoners sa lugar.
Matatandaang hinahangad ng Turkey na ilayo ang Kurdish militiamen sa bansa.