Iginiit ni Geopolitical Analyst Prof. Anna Malindog-Uy, na hindi dapat makialam ang Estados Unidos sa kasalukuyang isyu ng China at Pilipinas sa South China Sea.
Kasunod ito ng mga nagkumpulang Chinese vessel sa spratly isalands na humahadlang umano sa kabuhayan ng mga pilipinong mangingisda sa lugar.
Ayon sa eksperto, posibleng magkaroon ng distortion o pagbaluktot ng mga isyu sa pinag-aagawang teritoryo dahil malayo ang US sa South China Sea at hindi rin ito kasama sa mga bansang umaangkin dito.
Nabatid na sa naging pahayag ng Chinese Embassy sa Pilipinas, may kakayahan ang bansa at China na iresolba ang naturang isyu na hindi kailangan ng tulong mula sa Estados Unidos.