Nagdesisyon ang Estados Unidos na itigil muna ang ipinapadalang tulong sa Philippine National Police.
Ayon sa International Coalition for Human Rights in the Philippines, sang-ayon ang mga miyembro ng US House of Representatvies na isama ang nasabing amendment sa National Defense Authorization Act para sa fiscal year 2023.
Sa ilalim nito, hindi dapat gamitin ang buwis ng US para magbigay ng mga armas, pagsasanay, at iba pang anyo ng tulong sa Pilipinas.
Lilimitahan ang tulong hangga’t mapatunayan ng Pilipinas na matugunan ang serye ng mga kailangan sa human rights.
Dapat ding patunayan muna ng Secretary of State and Defense na ang gobyerno ng Pilipinas ay “naimbestigahan, at matagumpay na nahatulan ang mga miyembro ng PNP na lumabag sa karapatang pantao.