Hinikayat ng Estados Unidos ang pamahalaan ng Pilipinas na patuloy na gamitin ang mga gamit pang militar mula sa kanila sa kabila ng alok ng Russia na mas maraming armas at helicopters.
Ayon kay U.S. Defense Department spokesperson David Eastburn, mayroong malalim na ugnayan ang Pilipinas at Amerika partikular na sa larangan ng pakikipaglaban.
Aniya, kung dumating man ang oras na kailangang magtulungan dahil sa labanan ay mas madali kung iisang klase lamang ng kagamitan ang gagamitin.
Magugunitang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na muli niyang ikokonsidera ang pagbili ng mga sandata mula sa Estados Unidos.