Hinikayat ng Estados Unidos ang Tsina na itigil na ang pagsasagawa ng mapanghamon at hindi ligtas na hakbang sa West Philippine Sea.
Kaugnay ito sa naging insidente sa pagitan ng Philippine Coast Guard at China na anila’y isang pangha-harass at intimidasyon sa barko ng bansa.
Kasabay nito tiniyak ng US na sa panig ito ng Pilipinas sa harap ng patuloy na paglabag ng Chinese Coast Guard sa kalayaan ng paglalayag sa South China Sea.