Nagpahayag ng pagkabahala ang Estados Unidos kaugnay sa naging hatol ng Manila Regional Trial Court sa cyber libel case laban kay Rappler CEO Maria Ressa at dating researcher na si Reynaldo Santos.
Sa ipinalabas na pahayag ng tagapagsalita ng US State Department na si Morgan Ortagus, nananawagan aniya ang Amerika ng paglutas sa naturang kaso sa paraang magpapaigting sa matagal nang dedikasyon ng US at Pilipinas para sa kalayaan sa pamamahayag o freedom of expression, at para na rin sa mga miyembro ng press.
JUST IN: Estados Unidos, nagpahayag ng pagkabahala hinggil sa naging desisyon ng Korte sa kaso laban kay Rappler CEO Maria Ressa at dating researcher ng Rappler na si Rey Santos Jr. | via @StateDept pic.twitter.com/J11N1Vmhpn
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 16, 2020
Magugunitang una nang nagpahayag ng reaksyon hinggil dito si dating US Senator Hillary Clinton sa social media, kung saan sinabi nitong na-convict si Ressa sa Pilipinas dahil sa paggawa ng kanyang tungkulin.