Ikinatuwa ng Estados Unidos ang pagkakasuspinde ng paglusaw ng Visiting Forces Agreement o VFA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pahayag ng US Embassy sa Maynila, winelcome nito ang naging desisyon ng punong ehekutibo, kasabay nito ang pagtitiyak ng patuloy na pakikipag alyansa sa Pilipinas bilang kontribusyon hindi lamang sa seguridad ng dalawang bansa kundi maging sa mga nasyon sa Indo-Pacific.
Nitong Lunes, inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. Na muling inurong ni Pangulong Duterte ang suspensyon ng pagbuwag ng VFA ng anim na buwan.