Pinag-aaralan ng Estados Unidos na mas paigtingin pa ang pagpapatrolya ng kanilang mga barkong pandigma sa South China Sea.
Sa gitna na rin ito ng mas tumitinding militarisasyon ng China sa nasabing pinag-aagawang teritoryo.
Ayon sa ilang US officials at western and Asian diplomats, ikinukunsidera ng Pentagon ang pagkakaroon ng mas agresibong hakbang para igiit ang freedom of navigation sa South China Sea.
Kabilang anila sa nasabing hakbang ang mas mahabang oras at mas madalas na paglalayag ng barkong pandigama ng Estados Unidos na magsasagawa rin ng surveillance sa mga itinayong pasilidad ng China sa South China Sea.
Gayundin ang paghikayat ng Amerika sa kanilang mga kaalyadong bansa na paigtingin rin ang pagdedeploy ng kani-kanilang mga barko sa South China Sea.
Magugunitang dalawang barkong pandigma ng amerika ang naglayag sa bahagi ng South China Sea ilang araw lamang matapos mapaulat ang pagdedeploy ng bomber planes ng China sa Paracel at Spratly islands.