Binalaan ng Estados Unidos ang kanilang mga kababayan na bibiyahe sa southern Cebu.
Inalerto ng US Embassy ang kanilang mga kababayan laban sa di umano’y bantang pangingidnap sa mga dayuhan sa southern Cebu lalo na sa Dalaguete at Santander.
Pinayuhan ng US Embassy ang kanilang mga kababayan na maging mapagmatyag at ingatan ang kanilang mga sarili.
Kasabay nito, inulit ng US Embassy ang kanilang babalang inilabas noong Setyembre laban sa di umano’y banta ng terorismo laban sa mga Amerikanong nasa ibang mga bansa kasama na ang Pilipinas.
By Len Aguirre