Hindi binabalewala ng Malacañang ang ulat mula sa US Intelligence Community na nagsabing banta sa demokrasya si Pangulong Rodrigo Duterte sa Timog Silangang Asya.
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ihayag ng Worldwide Threat Assessment of the US Intelligence Community na itinuturing na banta sa demokrasya si Pangulong Duterte dahil sa kampanya nito kontra droga, kurapsyon at krimen.
Gayunman, pinabulaanan ni Roque ang ulat at iginiit na bilang isang abogado kinikilala ni Pangulong Duterte ang Bill of Rights at pinangangalagaan ang Rule of Law.
Samantala, itinuturing naman ni Senador Antonio Trillanes na babala sa administrasyong Duterte ang nasabing ulat.
Patas din aniya ang inilabas na report ng US Intelligence Community lalo na’t marami nang namatay sa war on drugs at nagpapakita rin ng banta ng diktaturya ang mga hakbang ng pangulo.
Narito ang kabuuang ulat ng US Intelligence Community:
https://www.dni.gov/files/documents/Newsroom/Testimonies/2018-ATA—Unclassified-SSCI.pdf