Pinagbabawalan ng Estados Unidos ang mga mamamayan nito na bumiyahe sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na travel advisory ng US State Department, ipinabatid dito na naglabas ang Centers for Disease Control and Prevention o CDC ng level 4 Travel Health notice sa Pilipinas dahil mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang level 4 ang itinuturing na pinakamataas na travel advisory designation ng US state department kung saan sila nagpapatupad na umano ng “do not travel order” sa bansang inisyuhan nito.