Ipinagbawal muna ng US Federal Aviation Administration (FAA) ang paglipad ng eroplano sa Persian Gulf, Oman Sea, Iraq at Iran.
Ito ay para maiwasan na maging target ng Iran ang nonmilitary US Aircraft.
Sakop ng pagbabawal ang American passenger airlines at civilian aircraft.
Nakasaad sa inilabas na Notice to Airmen (NOTAM) ang patuloy na pagbabantay ng FAA sa sitwasyon sa Gitnang Silangan at patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng FAA sa national security partners nito.