Nakatakdang magpulong ang Amerika, Japan at South Korea sa susunod na linggo matapos ang panibagong missile launch ng North Korea.
Ayon kay US National Security Adviser HR McMaster, ito ay para pag-usapan ang susunod na magiging aksyon laban sa pagkilos ng Pyongyang.
Magkikita at mag-uusap bilang bahagi ng United Nations General Assembly sina US President Donald Trump, Japanese Prime Minister Shinzo Abe at South Korea President Moon Jae-In.
Una nang pinatawan ng UN ng trade sanction ang NoKor dahil sa mga ginagawa nitong pagbabanta kung saan 90 porsyento ng mga pakikipagkalan nito ay pinutol na ng mga bansa.
—-