Nananatiling kakampi ng Pilipinas ang Estados Unidos sa gitna na rin ng nagpapatuloy na territorial dispute sa South China Sea.
Ito ang tiniyak ni US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Randall Schriver kasabay ng mas tumitinding militarisasyon ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
Ayon kay Schriver, nakahandang ang US na tumulong sa bansa sakaling tuluyan nang sakupin ng China ang inaaking isla ng Pilipinas sa South China Sea.
Gayunman hindi na idinetalye pa ni Schriver kung anong klaseng tulong ito.
Batay sa huling ulat mula sa US Pentagon, mas pinalawak pa ng militar ng China ang isinasagawang bomber operations nito sa bahagi ng South China Sea.