Kinondena ni US President Joe Biden ang full-scale invasion o pananakop ng Russia sa Ukraine.
Kasunod ito ng pagdeklara ni Russian President Vladimir Putin na kanilang sisimulan ang special military operation sa Ukraine anomang oras.
Agad naman itong pinuna ng ilang lider ng bansa kabilang na ang Estados Unidos, United Kingdom at Germany.
Ayon kay Biden, pananagutin ng buong mundo ang Russia sa idinulot nitong pinsala at pagkasawi ng mga tao sa Ukraine.
Nanindigan naman ang Ukraine na gagawin nila ang lahat para ipaglaban ang kanilang bansa kung saan, nagdeklara na ng Martial Law si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang giyera sa pagitan ng dalawang bansa kung saan, kinumpirma ng Ukrainian military na pitong Russian planes na ang kanilang napatumba sa bahagi ng Luhansk Region. —sa panulat ni Angelica Doctolero