Nangako ang gobyerno ng Amerika na hahanapan ng resolusyon ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang mga kampana ng Balangiga.
Kasunod ito ng diretsahang pahayag ng Pangulo sa kanyang SONA o State of the Nation Address na dapat isauli ng Amerika ang naturang mga kampana dahil pag-aari ito ng Pilipinas.
Ayon sa US Embassy, alam nila ang kahalagahan ng Bells of Balangiga kapwa sa mamamayang Pilipino at Amerikano.
Tinukoy na noong 1901 panahon ng Philippine-American war ay kinuha ng mga sundalong Amerikano ang naturang mga kampana sa simbahan ng Balangiga sa Eastern Samar bilang ganti sa kanilang pagkatalo sa Pilipino sa naturang lugar.
By Rianne Briones
US kumikilos na para ibalik ang Balangiga bells sa Pilipinas was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882