Naniniwala si US Secretary of Defense Jim Mattis na maaari pang maidaan sa diplomasya ang ballistic missile launch ng North Korea.
Taliwas ito sa pahayag ni US President Donald Trump na hindi sagot ang negosasyon sa mga pagbabanta ng Pyongyang.
Ayon kay Mattis, nanatili siyang positibo kasunod ng kanilang naging pag-uusap ni South Korea Defense Minister Song Young-Moo.
Aniya, isinasaalang-alang niya ang proteksyon ng mga bansa at mga mamamayan nito na posibleng maapektuhan ng pag-atake ng NoKor.
Ngunit sa kabila nito hindi aniya dapat na maging pabaya at maging handa sa anumang maaaring mangyari.
By Rianne Briones