Tiniyak ni US Secretary of State Michael Pompeo na magiging kakampi at kasangga ng Pilipinas ang Amerika sakaling magkaruon ng military aggression o giyera sa South China Sea.
Ito ayon kay Pompeo ay base na rin sa mutual defense treaty ng Amerika at Pilipinas.
Sinabi ni Pompeo na malaking banta rin sa Amerika sakaling maging banta sa seguridad, soberanya at ekonomiya ng Pilipina ang anumang military activity ng China sa South China Sea.
US handang mag supply ng armas sa PH
Handa ang Amerika na mag supply ng armas sa Pilipinas kung kakailanganin ito.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pinasasabi ni US President Donald Trump sa pangulong rodrigo duterte sa pamamagitan ni US Secretary of State Michael Pompeo.
Sinabi ni Panelo na kinumpronta ng pangulo si Pompeo kaugnay sa naging pagtanggi nuon ng Amerika na bentahan ng mga armas ang pilipinas na malapit na kaalyado ng Estados Unidos.
Tila ayaw pang mag commit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa imbitasyon ng US government na bumisita sa nasabing bansa.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay dahil walang malinaw na pag-uusap sina Pangulong Duterte at US Secretary of State Mike Pompeo kaugnay sa posibleng state visit ng pangulo sa Amerika.
Sinabi ni Panelo na maliban sa malayo hindi pa rin kaya ng pangulo ang sobrang lamig ng temperatura duon.
Unang inimbitahan ni Trump ang pangulo na bumisita sa Amerika sa kanilang phone conversation nuong May 2017 at July 2018 nang ipabatid naman ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na inaayos pa nila ang posibilidad na Washington visit ng Pangulong Duterte.