Magkakaloob ang Estados Unidos ng karagdagang 102 million pesos sa Pilipinas bilang suporta sa drug rehabilitation program ng gobyerno sa kabila ng batikos ng US government sa war on drugs ng Duterte administration.
Alinsunod ito sa nilagdaan nina Foreign Secretary Alan Peter Cayetano at US Ambassador Sung Kim na Amended Letter of Agreement on Narcotics Control and Law Enforcement na daan upang magkaroon ng tulungan ang Pilipinas at Amerika pagdating sa pagpapababa ng demand para sa illegal drugs.
Makatutulong ang nasabing pondo sa pag-develop ng drug reduction programs na tututok sa public health at community-based interventions.
Ang karagdagang pondo ay magmumula sa Bureau of International Narcotics and Law ng US Department of State.
SMW: RPE