Nagpadala ang Estados Unidos sa Ukraine ng $3B bilang military assistance nito.
Ayon sa White House, ang nasabing halaga na ang pinakamaking tulong na naipadala ng US sa Kyiv.
Sinabi naman ni Press Secretary Karine Jean-Pierre na sa susunod na nila idedetalye ang impormasyon sa tulong, kung saan kabilang sa ipapaabot ang Bradley infantry fighting vehicles, MRAPs at iba pang personnel carriers, at self-propelled howitzers.
Matatandaang bago rito, matagal nang itinulak ng Ukraine ang pagkakaroon ng mas mabibigat na armas, kabilang ang mga tangke, na makakatulong sa mga operasyon nito.
Ang mga bansa sa Kanluran ay nag-aatubili na ipadala ang mga ito, na binanggit ang mga takot na higit pang maakit sa digmaan o makapukaw ng Russia.