Pinalakas pa ng US-led coalition ang kampanya nito laban sa militanteng ISIS sa Syria.
Binigyang diin ni US President Barack Obama ang pinalakas pa nilang suporta sa oposisyon sa Syria para tuluyang madurog ang ISIS.
Ayon kay Obama, tuluy-tuloy ang kanilang airstrikes sa mga target na oil at gas facilities na pinagmumulan ng malaking pondo ng operasyon ng ISIS.
Gayunman, sinabi ni Obama na hindi pa sila magpapadala ng dagdag na tropa sa Syria kasabay ang pag-aming hindi magiging madali ang paglaban sa nasabing grupo.
By Judith Larino