Nagbabala ang Estados Unidos laban sa China hinggil sa mas marami pang mapaghamong hakbang na kanilang gagawin.
Sa harap na rin ito ng inaasahang pagbasura ng International Arbitral Court sa pag-aangkin nito sa pinagtatalunang West Philippine Sea.
Ayon sa isang Senior US State Department na tumangging magpakilala, suportado na ng iba’t ibang bansa ang inihaing reklamo ng Pilipinas laban sa China.
Nangako rin ang Amerika na susuportahan nito ang anumang magiging desisyon ng Arbitral Court at itataguyod ang US Defense committments nito.
Sa panig naman ni US Deputy Asst. Secretary of State for East Asia Colin Willett, maraming pagpipilian ang Amerika sa pagtugon nito laban sa anumang magiging hakbang ng China sa rehiyon.
By Jaymark Dagala