Tiniyak ng Estados Unidos na mananagot ng malaki si Syrian President Bashar Al-Assad at ang mga sundalo nito sa oras na muling maglunsad ang mga ito ng chemical attack.
Ito ang babala ng Amerika sa harap ng natanggap nitong impormasyon na naghahanda na ang Syrian government para sa isa na namang chemical weapons attack.
Ayon sa White House, ang mga paghahanda ng Syria ay kahalintulad aniya sa mga nakaraang ginawa ng mga ito.
Matatandaang Abril 4 nang maglunsad ng poison gas attack ang gobyerno ng Syria na ikinasawi ng pitumpung (70) mga sibilyan.
By Ralph Obina
US may babala sa Syria sa oras na maglunsad ng chemical attack was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882