Nananatiling naka-heightened alert ang US military sa kabila ng pagpapaliban ng North Korea sa planong missile attack sa Guam.
Hindi nagpakampante ang mga ito at nanatili pa ring naka-deploy sa lugar ang US warship na USS Colorado.
Matatandaang kahapon ay iniulat ng official news agency ng NoKor na KCNA, na nais umano ni NoKor leader Kim Jong Un na subaybayan muna ng mas matagal ang mga pagkilos ng Estados Unidos.
Ayon kay Kim, handa siyang umaksyon agad sakaling magpatuloy ang Amerika sa mapagbantang aksyon nito sa Korean Peninsula na tila humahamon kung hanggang kelan makapagtitimpi ang NoKor.
Una nang tinukoy na hawak na ni Kim ang detalyadong plano ng North Korean Army para sa pagpapasabog ng apat na missiles sa karagatang malapit sa US Pacific Territory of Guam.
Ikinalugod naman ni Guam Governor Eddie Calvo ang balita para maibsan ang nararamdamang takot ng mga residente doon.
By Rianne Briones
Photo Credit: AP