Pumalag ang US Military sa ginawang pagharang sa kanilang eroplano ng dalawang (2) Chinese jets sa bahagi ng East China Sea.
Giit ng Amerika, unprofessional ang naturang hakbang ng China dahil nasa international airspace naman ang himpapawid na kinaroroonan ng kanilang eroplano.
Sinasabing isa pa sa mga Chinese jets ang lumapit sa US aircraft ng hanggang apatnaput limang (45) metrong distansya.
Ang naturang eroplano ng Amerika na nasa East China Sea ay nasa isang misyon umano para alimin kung mayroong radiation sa naturang lugar.
By Ralph Obina