Muling binalaan ng Estados Unidos ang China laban sa militarisasyon nito sa South China Sea.
Ayon kay Sarah Sanders, Spokesperson ng White House, naipagbigay alam na nila sa China ang panibagong pangamba nila sa militarisasyon sa South China Sea.
Binigyang diin ng White House na mayroong near term at long term consequences ang ginagawa ng China.
Una rito, nabunyag ang paglalagay ng China ng anti-ship cruise missiles at surface to air missile system sa tatlo isla na kabilang sa inaangking teritoryo ng Pilipinas sa Spratlys.
—-