Muling hinimok ng China ang Estados Unidos na manatiling kalmado sa gitna ng nagaganap na tensyon sa Korean peninsula.
Hinimok ni Chinese Foreign minister Wang Yi ang kanyang counterpart na si US secretary of state Rex Tillerson na iwasang manaig ang kaguluhan.
Magugunitang inihayag ni Tillerson na nasa peligrosong lebel na ang tensyon at posibleng maglunsad ng pre-emptive strike ang US laban sa North Korea.
Ito’y kung muling magpapawakala ng mga missile na may nuclear capability ang NoKor na maaaring maging mitsa naman ng panibagong kaguluhan o digmaan sa East Asia.
Nagtungo ang US official sa Beijing, China bilang bahagi ng final leg ng kanyang East Asia tour.
By Drew Nacino