Muling naglunsad ng airstrikes ang US laban sa Islamic State sa Libya.
Target ng nasabing strikes ang Port City ng Sirte lugar na pinamumugaran ng mga ISIS.
Tinawag naman na kawalan ni Libyan Prime Minister Fayez Al-Sarraj ang nasabing airstrike.
Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng US military intervention na coordinated sa Libyan Unity Government.
Ayon naman sa Pentagon, awtorisado ni US President Barack Obama ang airstrikes bilang suporta sa mga government forces na lumalaban sa mga ISIS.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Reuters