Namigay ng P7.6 milyong halaga ng disaster relief supplies ang Estados Unidos sa Cagayan bilang donasyon.
Ayon sa US Embassy, kabilang sa mga pinamahagi ang mga tent, medical supplies, dive equipment at dalawang rubber boats na may outboard motors.
Mismong si US Embassy Civil Affairs Team leader Captain Stephen Coleman ang nag-turnover ng donasyon sa Tuguegarao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, Philippine Coast Guard o PCG, at mga ospital.
Ayon kay Atty. Mabel Villarica-Mamba, kinatawan ni Cagayan Governor Manuel Mamba, kasama sa mga makikinabang sa donasyon ang dalawampu’t walong bayan at isang lungsod sa lalawigan.