Nagbigay ng tethered aerostat radar system o TARS ang Estados Unidos upang mas mapahusay pa ang maritime intelligence at reconnaissance capability ng militar sa bansa.
Ayon kay Captain Leud Lincuan, tagapagsalita ng Philippine Navy, inaasahan ang pagdating ng mga radar system sa Martes sa naval education and training command sa San Antonio, Zambales.
Dagdag pa ni Lincuan ang naturang radar system ay makakatulong umano para sa mas mapaigting ang pagmamatyag o pagbabantay na maaring magamit sa mga aircrafts at watercrafts sa mga coastal areas na sakop ng bansa.
Kabilang sa mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ay ang pagpasok sa bansa ng mga illigal na droga at iba pang kontrabando.
—-