Tinatayang mahigit $1-M dolyar o halos P55-M ang halaga ng mga supply na i-dinonate ng Amerika sa Bureau of Fire Protection (BFP) National headquarters sa Quezon City.
Ang hakbang ayon sa US Embassy ay sa pamamagitan ng Defense Threat Reduction Agency (DTRA).
Sinabi ng US Embassy na makakatulong ang supplies para matugunan ng BFP ang mandato bilang chemical, biological, radiological and nuclear response agency ng Pilipinas.
Isa rin ang BFP sa primary agencies sa bansa na nagsasagawa ng decontamination at response activities sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Suportado rin ng DTRA ang BFP at iba pang ahensya para mapabuti ang counter weapons of mass destruction capabilities ng bansa.