Karagdagang 1 million dollars o 51.1 million peso humanitarian assistance ang ipinagkaloob ng US government para sa mga komunidad na nasalanta ng bagyong Odette sa Pilipinas.
Iniabot ang nasabing halaga sa pamamagitan US Agency for International Development kaya’t umabot na sa mahigit 1.5 billion pesos ang halaga ng ipinagkaloob na tulong ng Amerika.
Tiniyak ni Heather Variava, Ad Interim Chargé D’affaires ng US embassy sa Maynila, na patuloy ang kanilang suporta sa post-typhoon recovery bilang kaibigan, kabahagi at kaalyado ng Pilipinas.
Makatutulong anya ang additional assistance sa delivery ng pagkain at iba pang essential items sa mga komunidad na hinagupit ng kalamidad.
Katuwang ang Office of Civil Defense at World Food Programme, idedeploy ang nasa 300 truck upang maghatid ng food at relief supplies sa mga apektado ng bagyo.