Nagbigay ang US Government ng tatlong evidence containers na nagkakahalaga ng P1.6-M ($30,700) para palakasin ang kapasidad ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) na maayos na mapanatili ang mga nakumpiskang kontrabando at ebidensya na ipinakita sa imbestigasyon sa mga wildlife trafficker at mga taong nakikibahagi sa environmental crime.
Ini-handover ang nasabing kagamitan sa PCSD headquarters sa Puerto Princesa City na pinangunahan ni US Department of State Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL) Principal Deputy Assistant Secretary Lisa Johnson.
Pinasalamatan naman ni PCSD Executive Director Niño Rey Estoya ang US Government para sa patuloy na pagsuporta.
Ayon sa Asian Development Bank, tinatayang nasa P548-B ($10b) hanggang P1.26-T ($23b) bawat taon ang halaga ng global illegal wildlife trade kada taon, kung saan itinuturing ang wildlife crime bilang 4th most lucrative illegal business.
Samantala, nagsimula ang pagsuporta ng INL sa environmental justice ng Palawan noong 2019 sa pamamagitan ng P28-M ($500k) partnership sa US Forest Service para palakasin ang institutional capacity ng PCSD laban sa naturang krimen. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)