Mahigit 10 milyong pisong halaga ng learning equipment ang ipinagkaloob ng US Agency for International Development (USAID) sa Department of Education (DEPED).
Ang isa 100 school-in-a-bag kits ay naglalaman ng laptop computer, 10 tablets na mayroong tig-isang terabyte ng memory at pocket Wi-Fi na preloaded ng 500 pisong halaga ng internet access.
Ipapamahagi ng DEPED ang nasabing kits sa piling mga paaralan sa Bicol, Western Visayas, Maguindanao, Cotabato at mga paaralan na may kaugnayan sa remote learning study ng USAID.
Layon ng nasabing hakbang na isulong ang digital literacy sa gitna ng COVID-19 pandemic, lalo na sa mga malalayong lugar na walang access sa teknolohiya.