Binalaan ng Amerika, ang kanilang mga mamamayan na nandito sa Pilipinas, laban sa pagbiyahe sa Sulu at sa iba pang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa travel advisory, makakabuti na ipagpaliban muna ang mga hindi mahalagang biyahe papunta sa Sulu at sa ilang probinsya sa Mindanao, dahil sa mataas na banta ng kidnapping at karahasan dulot ng insurgency at terorismo.
Sakop ng travel advisory ang bahagi ng Sulu Sea Region mula sa dulo ng Palawan, hanggang sa baybayin ng Sabah sa Malaysia; gayundin ang mga isla ng Sulu at Zamboanga City.
By Katrina Valle