Nagpalabas ng abiso ang US State Department kaugnay sa pagbiyahe ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Pinaalalahanan ng US State Department ang kanilang mga mamamayan na pag-isipan ang pagtungo sa Pilipinas kasunod ng paglalabas ng US centers for disease control and prevention ng level 3 health travel notice sa bansa.
Ito ay bunsod naman ng patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Habang nagpaalala rin ang pamahalaan ng Estados Unidos laban sa pagbiyahe sa Sulu Archipelago, Southern Sulu Sea at Marawi City sa Mindanao dahil sa krimen, terorismo, kaguluhan at kaso ng kidnapping.
Kaugnay nito, pinayuhan US government ang mga bibiyahe nilang mga mamamaya na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline o travel operators para sa mga impormasyon kaugnay ng mga ipinalabas na travel restrictions.