Naglabas na ng travel advisory ang US Centers for Disease Control and Prevention sa 11 bansa sa Southeast Asia kaugnay ng zika virus.
Bukod sa Pilipinas, sakop ng travel advisory ang Brunei, Myanmar, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Maldives, Thailand, East Timor at Vietnam.
Sa kanilang advisory, pinag-iingat ng US CDC ang mga buntis laban sa hindi mahalagang pagbiyahe sa mga nabanggit na bansa.
Matatandaang sa Pilipinas ay nakapagtala na ang DOH ng 12 kaso ng zika virus.
By Katrina Valle