Nagpalabas ng travel warning ang Amerika laban sa Pilipinas.
Batay sa abiso ng US Embassy, binalaan nito ang kanilang mga mamamayan na iwasan ang pagbiyahe sa Marawi City, Sulu at iba pang bahagi ng Mindanao.
Ito ay dahil umano sa banta terorismo at kidnapping sa naturang mga lugar.
Ipinaalala ng US Embassy sa kanilang mga mamamayan ang nangyaring pambobomba sa Davao City noong Setyembre ng nakaraang taon at ang kasalukuyang bakbakan sa pagitan ng militar at Maute terrorist group sa Marawi City.
By Ralph Obina