Naglunsad ng missile attack ang Estados Unidos laban sa Syria.
Ito ay bilang tugon ng Amerika sa nangyaring chemical attack sa Syria na ikinasawi ng dose-dosenang sibilyan kung saan mismong si Syrian President Bashar Al-Assad ang itinuturong nasa likod nito.
Ayon sa Pentagon, limampung (50) Tomahawk Cruise Missiles ang pinakawalan ng US sa Eastern Mediterranean at Syrian Airbase.
Una rito, nagbanta si US President Donald Trump na gagawa ng hakbang ang Amerika sa krimeng ginawa ng gobyerno ng Syria.
By Ralph Obina