Nag-alok ng mga pabuya ang US State Department para sa mga makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga matataas na lider ng Pakistani militant group na Taliban.
Ayon sa US State Department, nagpalabas sila ng 5 milyong dolyar na reward para sa impormasyon kaugnay kay Pakistani Taliban Chief Mullah Fazlullah.
Habang tig-tatlong milyong dolyar naman ang patong sa ulo ng pinuno ng Pakistani Taliban affiliate na si Abdul Wali at allied Pakistani militant group leader Mangal Bagh.
Sinasabing ang tatlong lider ang nasa likod ng mga pag-atake sa Pakistan na ikinasawi ng daang-daang katao kabilang ang ilang US personnel at nato officials.
—-