Pinag-iingat ng Estados Unidos ang kanilang mga mamamayan laban sa pagbiyahe sa China.
Batay sa ipinalabas na travel advisory ng US State Department, kanilang binalaan ang mga mamamayan ng Amerika na maging maingat sa pagbiyahe sa China dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng local laws doon.
Ito ay makaraang maaresto at makulong ang dalawang Canadian citizens sa China dahil sa sinasabing paglabag sa seguridad ng nasabing bansa, kamakailan.
Matatandaang noong Disyembre, naaresto sa Vancouver Canada ang isang mataas na opisyal ng Chinese telecommunications firm na Huawei Technologies alinsunod na rin sa kahilingan ng US.
—-