Kaugnay nang ng tumitinding banta ng terorismo matapos ang mga pag-atake sa Paris, France, nagpalabas ngayon ang Estados Unidos ng worldwide travel alert bilang babala sa kanilang mga mamamayan.
Batay sa state department travel advisory, pinapayuhan nito ang kanilang mga mamamayan na maging alerto sa mga pampublikong lugar o transportasyon.
Pinayuhan din ang lahat ng mga Amerikano na iwasan ang mga matataong lugar lalo na ngayong nalalapit na holiday season.
Batay sa impormasyon ng US, nagpaplano pa ng serye ng pag-atake ang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS, Boko Haram at iba pang teroristang grupo.
Matatandaang kabilang sa mga inatake nitong mga nakalipas na linggo ay ang Denmark, France, Mali, Nigeria at Turkey.
By Ralph Obina