Kinumpirma ng Texas authorities ang unang pagkasawi sa monkeypox sa Estados Unidos.
Gayunman, sinabi ng health officials na patuloy nilang tinutukoy kung paano nasawi sa naturang sakita ang “severely immunocompromised” patient.
Ang naturang pasyente ay nasa hustong gulang na at naninirahan sa Houston area.
Batay sa datos ng Centers for Disease Control and Prevention, 15 indibidwal mula sa walong mga bansa ang nasawi dahil sa monkeypox.